Masaya ako, KUNYARE.
Oo, nae-enjoy kong kasama ang friends ko lalo na ang GELBLEP. Mas masaya ko pag kumpleto kami at kasama si Shalom. Pero medyo masaya lang ako pag kasama namin si Maia. Ewan ko. Siguro kasi mas naggiging close na sila ni Gadielle kesa sakin. Mas mabait siya sakin, mas matalino. Kaya everytime I’m with her, lagi ko siyang binabasag at inaasar. Kahit sabihin nilang joke ko lang un, sakin HINDI. Doon ko na lang dinadaan ung sama ng loob ko sa kanya. Alam ko namang hindi na rin siya natutuwa sa pang-aasar ko sa kanya eh. Well, anong pake ko? Naiinggit ako sa kanya kasi mas naggiging close siya sa taong mas gusto kong mas maka-close pa kahit best friend ko un.
Minsan naiiyak ako tuwing nakikita kong mas masaya si Gadielle pag kasama niya si Maia. Mabait naman siya kaso, NAIINGGIT AKO. Oo, tama. Naiinggit ako sa kanya kasi mas napapasaya niya ung mga kaibigan ko. Pramis, nakakadurog ng puso. </3